CalculatorBattery Maintenance

Battery Life Calculator: Gaano Pa Tatagal ang Baterya Mo?

Ilagay ang uri at edad ng baterya, kung paano mo ginagamit ang sasakyan, at ang mga senyales na napapansin mo. Makikita mo ang tinatayang kondisyon, ang saklaw ng natitirang buhay, kung kailan malamang na kailangang palitan — at kung bakit.

August 4, 20266 min basa

Karamihan sa mga driver, hinihintay pa bago mag-aksyon — hindi mag-start ang sasakyan, saka pa lang magtatanong kung gaano na katagal ang baterya. Ang totoo, may mga senyales na mababasa mo bago pa mangyari 'yun.

Ang estimator sa ibaba ay may tatlong bahagi: ang inaasahang buhay ng baterya para sa paraan ng paggamit mo (uri ng baterya, sasakyan, haba at dalas ng biyahe, init, electrical load), ang pagbaba ng kondisyon ayon sa edad — na hindi tuwid na linya kundi mabilis na bumabagsak sa dulo — at ang mga senyales na napapansin mo mismo, na mas mabigat ang timbang kaysa sa anumang average. Hindi ito kapalit ng load test, pero ipinapakita nito kung bakit ganoon ang resulta, para alam mo kung ano ang dapat unahin.

Battery Condition Estimator

01 · Baterya at sasakyan

Bago6 taon

Karaniwang linya ng karamihan sa sasakyan

02 · Paano mo ito ginagamit

Karaniwang haba ng biyahe
Gaano kadalas ginagamit
Saan madalas nakaparada
Electrical load (piliin lahat ng angkop)

03 · Mga senyales na napapansin mo

Nag-jumpstart ka ba nitong nakaraang 3 buwan?
Alin sa mga ito ang nararanasan mo?

04 · Opsyonal — kung may multimeter ka

Ang aktwal na sukat ang pinakamalakas na ebidensya — tingnan ang DIY guide kung paano sumukat.

Tinatayang kondisyon

69/100

Bantayan
PalitanMalusog
Buwan na natitira
18–26
Palitan sa
Mar–Nob 2028
Panganib sa 3 buwan
Katamtaman

Kumikilos ang baterya mo na parang ~2.0 taon na ang edad, laban sa inaasahang ~46 buwan na buhay para sa ganitong paggamit.

Paano nakuha ang resulta

  • Uri ng bateryaStandard MF · base na ~46 buwan sa init ng Pilipinas
  • Edad2 taon sa inaasahang ~46 buwan → 69% mula sa edad lang

Ano ang gagawin

  1. 01Nasa maayos na kondisyon ang baterya mo base sa mga sagot. Magpa-load test taun-taon simula sa ikalawang taon, at linisin ang terminals kada tatlong buwan.

Tinatayang resulta base sa karaniwang buhay ng lead-acid battery sa Pilipinas at sa mga sagot mo — hindi ito sukat. Ang tunay na kalagayan ay nakukumpirma lamang sa load test, na libre sa lahat ng 34+ branches namin.

Bakit mas mabilis maubos ang baterya sa Pilipinas

Ang init ang pinaka-madalas na dahilan. Sa mainit na klima, mas mabilis ang chemical reaction sa loob ng baterya — mas malakas nga ang starting power, pero mas mabilis ding masira ang mga plato sa loob. Dagdag pa ang tubig na unti-unting nawawala dahil sa evaporation.

3–4 yrs

Karaniwang buhay sa PH

5–6 yrs

Sa mas malamig na bansa

50%

Mas mabilis na pagkasira kada +8°C

Ang maiikling biyahe ang tahimik na killer

Kapag 10–15 minuto lang ang byahe mo araw-araw, hindi na-full charge ang baterya ng alternator. Paulit-ulit na partial charge — mas mabilis masira kaysa sa mahabang biyahe.

Mga senyales na malapit nang mag-give up

  • Mabagal ang cranking — parang nahihirapan mag-ikot ang makina pag-start.
  • Dumidilim ang headlights kapag naka-idle, bumibilis pag ni-rebulusyon mo.
  • Kailangan mag-jumpstart nang higit sa isang beses sa isang buwan.
  • May puting o asul na alikabok sa terminals (corrosion).
  • Umuumbok o namamaga ang case ng baterya — palitan agad ito.

Libreng battery check

May libreng battery check kami sa lahat ng 34+ branches, at pwede rin naming puntahan ang lokasyon mo. Kung 3 taon pataas na ang baterya mo, magpa-test ka na bago mag-tag-ulan.

Kailangan mo ng bagong baterya?

Libre ang delivery at installation, bukas 24 oras. Sabihin mo lang ang sasakyan mo at ibibigay namin ang presyo ngayon.

Iba pang gabay

Balik sa lahat ng gabay

Call